Puerto Princesa City – Nagsagawa ng Feeding Program ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Mobile Force Company sa Bungsol Elementary School, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City noong ika-17 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Puerto Princesa City Mobile Force Company Headquarters at 1st Platoon ng PPCMFC sa pangununa ni Police Captain Bernardo Valdez, Platoon Leader ng 1st Platoon ng PPCMFC at mga guro at staff ng paaralan.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month, na may temang “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan”.
Namahagi ng mainit na arrozcaldo at tinapay at nagbigay rin ng libreng tsinelas sa 100 na mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang sa naturang paaralan.
Lubos naman ang tuwa at galak ng mga estudyante at ng kanilang mga magulang dahil sa masustansya at masasarap na pagkain na hatid ng ating mga kapulisan.
Patuloy na isinasagawa ng PNP ang mga ganitong programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.
Source: Puerto Princesa City Mobile Force Company
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus