Pinangunahan ng Bayombong Police Station ang pagsasagawa ng Outreach Program at Campaign Against Violence on Women and Children sa mga estudyante ng Day Care Center Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Nobyembre 14, 2022.
Katuwang ng pulisya ang local na pamahalaan ng Bayombong, Sangguniang Kabataan at mga Nursing students ng Polytechnic College.
Namahagi ang grupo ng mga health kit, food packs, cash, school supplies at tsinelas sa mga estudyante ng naturang paaralan.
Pinangunahan ng kapulisan ang pagbigkas ng Panatang Makabata at tinalakay ang tungkol sa Child Abuse (RA 7610), Safe Touch and Bad Touch, Children’s Rights, Violation Against Women and Children (RA 9262) at Responsible Parenthood sa mga magulang ng mga estudyante.
Layunin ng aktibidad na magbigay kasiyahan at ipadama na ang kapulisan ay laging handang tumulong at magbigay kaalaman sa ating lipunan sa ika-uunlad ng bayan.
Source: Bayombong Police
Panulat ni Pat. Rustom T Pinkihan