Cagayan de Oro City – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga awtoridad nito lamang Martes, Nobyembre 15, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang naarestong suspek na si alyas “Israel”, 32, residente ng Zone 3, Dabatian Street, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Coop, naaresto ang suspek bandang 9:55 ng gabi sa kanyang tirahan ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 10 katuwang ang Cagayan de Oro Police Station 4 at Philippine Drug Enforcement Group – Special Operation Unit 10.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000 at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Ang PRO 10 ay patuloy sa operasyon laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupan para makamtan ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng Rehiyon 10.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10