Urdaneta City – Nagsagawa ang Urdaneta City PNP ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN (KApulisan, SIMBAhan at PamaYANAN) sa Zones 1 at 3, Brgy. Tipuso, Urdaneta City, Pangasinan nito lamang Lunes, Nobyembre 14, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Benson Pimentel, Chief of Police ng Urdaneta City Police Station, katuwang si Pastora Madona Mallari, Community Adviser.
Ang mga lumahok na naturang aktibidad ay mga Barangay Officials ng Brgy. Tipuso at Advocacy Support Group- Women Sector.
Layunin ng KASIMBAYANAN na ilapit sa Panginoon hindi lamang ang mga kapulisan kundi maging ang buong sambayanan, maging family at service oriented.
Ang lahat ng adhikain ng ating kapulisan magiging matagumpay sa tulong ng ating pamayanan.
Source: Urdaneta City PS
Panulat ni PSSg Vanessa Natividad