Pinangunahan ng Beniton Soliven PNP ang pagdiriwang ng ika-30th National Children’s Month na may temang “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata ating Tutukan” na ginanap sa San Carlos Elementary School, Benito Soliven, Isabela, noong Nobyembre 14, 2022.
Naging katuwang ng pulisya ang mga guro sa nasabing eskwelahan sa pagsagawa ng aktibidad.
Sa umpisa ng programa, tinalakay ni PCpl Levie Ann Bulan ang patungkol sa karapatan ng mga bata, kasunod nito ang pagbibigay ng mga school supplies at pagkain sa 50 na mag-aaral.
Bakas sa mukha ng mga mag-aaral ang saya dahil sa munting regalo na natanggap mula sa kapulisan.
Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng kaunting kasiyahan ang mga bata kahit sa maliit na bagay bilang pagpaparamdam din ng diwa ng pasko.
Source: Benito Soliven police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos