Maasim, Sarangani Province – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang Joint Operation ng Maasim PNP sa Purok 6C, Barangay Bales, Maasim, Sarangani Province nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2022.
Kinilala ni Police Major Herman Luna, Chief of Police ng Maasim MPS, ang suspek na si alyas “Leo”, 39, magsasaka, at residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 10 Municipal Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Luna, naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 12 na hulihin ang mga wanted person sa rehiyon dose.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo