Nagsagawa ng Tree Planting at Clean-up Drive ang mga tauhan ng PeƱablanca Police Station sa Sitio Baggaba Barangay Agugaddan, PeƱablanca, Cagayan nitong araw ng Huwebes, ika-10 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Harold Ocfemia, Officer-In-Charge, kasama ang mga miyembro ng Tourist Police Unit, FTP Class 2021-02 SANDATAG, at mga aktibong miyembro ng Barangay-Based Advocacy Group.
Tinatayang nasa 70 na mga puno ng narra ang naitanim at ibaāt ibang mga klase ng basura ang napulot at nakolekta sa nasabing lugar.
Ang naturang aktibidad ay bilang pagsuporta sa National Greening Program ng Gobyerno at kaugnay sa Project N.A.R.E.N.U (Nurturing and Restoring the Environment for the Next United Generation) ng nasabing himpilan.
Ito ay naaayon sa programa ni Chief, PNP na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (MKK=K) at isa sa PNP Core Values na āMakakalikasanā na naglalayong pangalagaan ang ating kapaligiran.
Source: PeƱablanca Police Station
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag