Tuesday, November 26, 2024

PNP Mall Tour at Job Fair, naging matagumpay

Quezon City – Matiwasay na naidaos ang PNP Mall Tour at Job Fair na ginanap sa Fisher Mall, Quezon Ave, Quezon City nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Police Community Affairs and Development Group sa ilalim ng direktang pamumuno ni Police Colonel Lou F Evangelista, Acting Director, katuwang ang Quezon City Public Employment Service Office at ang Fisher Mall, Quezon Avenue.

Marami ang nakibahagi at nagpakita ng interest sa mga trabahong alok ng QCPESO, bukod sa nasabing job fair, namahagi rin ng flyers ang ating mga kapulisan patungkol sa masamang epekto ng drug abuse at patungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act of 2004.

Tampok naman sa naturang programa ang pagbibigay aliw ng PNP Combo at Dancers sa mga namamasyal sa mall, kitang-kita ang saya ng mga manonood dahil ang iba pa nga sa mga ito ay hindi nag-atubiling makikanta at makisayaw sa ating PNP performers.

Ang katagumpayan ng aktibidad ay bunga ng pinagsama-samang pagtutulungan ng mga kapulisan lalo na ng mga miyembro ng Community Affairs and Development Division, na pinamumunuan ni Police Colonel Joel T Ada, na siyang pangunahing abala sa aktibidad.

Ang naging hakbangin ng PNP ay naglalayong matulungan ang iba nating kababayan na naghahanap ng pagkakakitaan at upang mas mapagtibay ang ugnayan ng kapulisan at komunidad tungo sa pagkamit ng iisang hangarin sa kaunlaran ng lipunan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles