Guihulngan City, Negros Oriental – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Activity ang mga tauhan ng Guihulngan City PNP sa Sitio Bucana, Barangay Poblacion, Guihulngan City nito lamang umaga ng Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Romeo Cubo, Officer-In-Charge kasama ang mga tauhan ng 61st SAC PNP-SAF, CAA, Philippine Army, Department of Environment and Natural Resources at Bateria Fishermen Association (BATEFA).
Sa pagkakaisa ng mga naturang grupo ay matagumpay na nalinis ng mga ito ang baybayin at nagawang bigyang katuparan ang layunin ng aktibidad na maisaayos at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.
Hinihikayat ng Guihulngan City PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.