Nagsagawa ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ang Kalinga Police Provincial Office sa pamumuno ni Provincial Director, PCol Davy Vicente M. Limmong noong Nobyembre 14 – 20, 2021.
Nagresulta ang 7-araw na SACLEO sa pagkakaaresto ng pitong (7) indibidwal sa pagsasagawa ng intensified at anti-criminality operation: dalawa (2) ang naaresto dahil sa Robbery, isang (1) Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353), isa (1) para sa Estafa, isa (1) sa Attempted Homicide, at dalawa (2) para sa RA 6539 (The Anti-Carnapping Act of 1972).
Nahuli rin ang tatlong (3) katao dahil sa paglabag sa Special Law; isa (1) para sa Forestry Reform Code of the Philippines, dalawa (2) sa isinagawang buy-bust operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng isa sa Regional Top 10 at isang (1) bagong nakilalang drug personality; at pagkumpiska ng mahigit kumulang 1.35 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php8,840.
Dagdag pa rito, 11 loose firearms naman ang boluntaryong isinuko ng mga concerned citizen sa nasabing lalawigan at ang pagsasagawa ng marijuana eradications sa Barangay Loccong at Barangay West, Tulgao sa Tinglayan, Kalinga na nagresulta sa pagkakasabat ng marijuana na nagkakahalaga ng Php10,025,000.
Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya na pangunahing responsable sa pagsasagawa ng mga operasyon.
#####
Panulat ni: Police Corporal Melody L Pineda