Northern Samar – Matagumpay na iginawad sa isang lola ang libreng pabahay sa programang “Kapwa Ko Sagot Ko House Project” ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company noong ika-8 ng Nobyembre 2022 sa Brgy. 8 Poblacion, Pambujan, Northern Samar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-aoen, Force Commander ng 2nd Northern Samar PMFC, naging benepisyaryo ng kanilang proyekto ay si Encarnacion B. Tenedero kasama ang kaniyang dalawang apo.
Naisakatuparan ang proyekto dahil sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar PMFC at sa pakikipag-ugnayan kay Ms. Mary Claudine A. Tan, TINGOG Coordinator; Ms. Margie J. Doliendo, Social Welfare Aide; at Pambujan Vice Mayor, Atty. Ronel A. Tan.
Pahayag ni Lola Encarnacion sa ceremonial turn-over, “Kami ay lubos na nagpapasalamat sa tulong at pangangalaga na ibinigay ng mga kapulisan at sa iba pang tumulong. Hindi na kami matatakot tuwing umuulan dahil binigyan niyo kami ng simple, disente at ligtas na tahanan”.
Ang programa ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga pinaka nangangailangan sa panahon ng krisis lalo na ngayong panahon ng sakuna at COVID-19 pandemic.
Mensahe ni PLtCol Dang-aoen, “Hinihikayat namin ang mga mamamayan na makiisa sa amin sa iisang layunin upang lumikha ng isang ligtas at mapayapang komunidad. Ipalaganap ang pagmamahal at sama-sama nating malalagpasan ang lahat ng kahirapan”.