Patuloy sa paghahatid ng serbisyo ang Project NURSE o Nurturing a Ubiquitous service that is Radical and Steadily Embraces the concept of health ng PeƱablanca Police Station sa mga residente ng Barangay Minanga, PeƱablanca, Cagayan noong ika-8 ng Nobyembre 2022.
Ayon kay Police Major Harold Ocfemia, Hepe ng naturang istasyon, isa ito sa mga best practice ng kanilang tanggapan.
Dagdag pa ni PMaj Ocfemia, ang proyekto ay nagbibigay ng libreng blood pressure at blood sugar monitoring sa mga residente ng kanilang bayan.
Layon nito na makapaghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan kahit sa simpleng paraan para sa mga kapus-palad nating mga kababayan.
Mga Pulis-Nurse na nakatalaga sa PeƱablanca PS ang nagsasagawa ng aktibidad kapag sila ay bumibisita sa mga barangay.
Kalakip din nito ang mga simpleng health tips para maiwasan ang sakit pati na rin ang pagpapaalala upang makaiwas sa Covid-19.
Ang aktibidad ay sumasalamin sa PNP Core values na Makatao na nagnanais na ipadama ang malasakit sa kapwa.
Source: PeƱablanca PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi