Pormal ng sinimulan ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang pagsasagawa ng 5-Day Disaster Preparedness and Search, Rescue and Relief Seminar matapos ang opening ceremony na ginanap sa Green Lagoon Park, Brgy. Canamucan, Compostela, Cebu nito lamang Lunes, ika-7 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Leo Ty, Chief Provincial Community Affairs and Development Unit CPPO, at personal na dinaluhan ng Chief Regional Community Affairs and Development Division 7, Police Colonel Antonietto Cañete, at ng Regional Director ng Police Regional Office 7, Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na kinatawanan ni Police Colonel Arnel Banson, Chief RHSU.
Layunin ng programa na hubugin ang kakayahan at hasain ang kaalaman ng kapulisan para sa mabilis, maingat, at ligtas na pagtugon sa anumang uri ng kalamidad para sa kapakanan ng komunidad.
Kabilang sa mga kumasa sa naturang pagsasanay ang nasa 50 katao na nagmula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya ng naturang probinsya.
Inaasahan naman na magtatapos ang pagsasanay sa darating na Biyernes, Nobyembre 11, 2022.
Ang Disaster Preparedness and Search, Rescue and Relief Seminar ay isa lamang sa mga pagsasanay na ibinibigay at kinukuha ng bawat miyembro ng PNP upang mas maging mahusay at epektibo sa pagtupad ng kanilang tungkulin.