Arestado ang 12 lokal na turista sa isinagawang kampanya kontra iligal na droga ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Mountain Province at Mountain Province Police Provincial Office sa pangunguna ng Sadanga Municipal Police Station sa Ampaliwen, Poblacion, Sadanga, Mountain Province.
Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng walong (8) pirasong bricks ng dried marijuana stalks at dahon na may fruiting tops at tinatayang may timbang na mahigit kumulang 8.2 kilograms at may Standard Drug Price na Php940,000.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Angelo Navarro, 29 anyos at residente ng Porciuncula St., Bocauae, Bulacan; Julius Cyrel Balonso, 19 anyos, at residente ng Dalanuita St., Brgy. 178 Camarin, Caloocan City; Jolin Christian Balonso, 23 anyos, residente ng Dalanuita, St. Brgy. Camarin, Caloocan City; Lyka Joy Oprin, 26 anyos, residente ng Thunderbird Subdivision, Camarin, Caloocan City; Renz Periera, 24 anyos, residente ng Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal; Reina Presa Perez, 33 taong gulang, residente ng Atis St., Summer Green Subdivision, Cainta Rizal; Albert Lopez, 29 anyos, residente ng Brgy Gulod, Novaliches Quezon City; Robin Mar Sarmiento, 40 anyos, driver, residente ng Macrio St., Tigbe, Norzagaray, Bulacan; Pearl Tanedo, 23 anyos, residente ng Baculong Victoria, Tarlac City; Ellamae Domingo, 22 anyos, residente ng Cavaran St. Victoria, Tarlac City; Charwin Santiago, 36 anyos, residente ng San Juan, Cainta Rizal; at Kennedy Mensah, 18 anyos, estudyante at residente ng Tuktukan Guirimilo, Bulacan.
Samantala, ang pag-imbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensiya ay personal na sinaksihan nina Municipal Mayor Gabino P Ganggangan, mga Brgy. Kagawad na sina Pascual Pagcaan at Dawing Chopchopen ng Brgy Poblacion, Sadanga, Ms. Novy R Afidchao-Mountain Province-PIO, Media representative at Prosecutor Godaliva Calaowa Golda.
#####
Panulat ni: Police Corporal Melody L Pineda