Umaga pa lang ay nilibot na ng mga tauhan ng 2nd Davao Occidental Provincial Mobile Force Company ang karagatan ng kanilang nasasakupan upang mamahagi ng mga food packs para sa mga mangingisda ng Brgy. Balangonan, San Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Ito ay sa pangunguna ni PSMS Mario Mahinay, FESPO at sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Mark Lester R Jalon, OIC Force Commander, 2nd DOcPMFC kasama ang mga miyembro ng Kitayo-Balangonan Drivers Association (KIBADAS) sa pangunguna ni Mr. Michael L. Luzano at Philippine Coast Guard (PCG) PO3 Yusop D. Tutor, Station Commander.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyang pansin at halaga ang mga mangingisda na maghapong pumapalaot at nakabilad sa araw upang makapaghanapbuhay.
Masaya ang mga mangingisda sa ayudang kanilang natanggap dahil malaking tulong ito para sa karagdagang pagkain para sa kani-kanilang pamilya.
Pinaalalahanan din sila na patuloy na pangalagaan ang kapaligiran lalo na ang karagatan kung saan sila kumukuha ng kanilang pang araw-araw na kabuhayan.
Source: 2nd DOcPMFC
#####
Panulat ni Police Corporal Mary Metche Moraera