Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php1,330,000 na halaga ng smuggled cigarettes ng Zamboanga City PNP at Regional Mobile Force Battalion 9 sa Gov. Ramos Avenue, Brgy. Santa Maria, Zamboanga City nito lamang Sabado, Nobyembre 5, 2022.
Kinilala ni Police Major Jamar Tagayan, Acting Station Commander ng Zamboanga City Police Station 7, ang naarestong suspek na si Ben Abdulla, may asawa at residente ng Upper Calarian, Zamboanga City.
Ayon kay PMaj Tagayan, bandang 5:02 ng hapon nang mahuli sa isinagawang random checkpoint ng pinagsanib na puwersa ng Zamboanga City Police Station 7 at Regional Mobile Force Battalion 9 sa pangunguna ni Police Lieutenant Ariel Cabanlong.
Nasabat sa suspek ang 38 na kahon ng Fort cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,330,000 na walang kaukulang mga dokumento at isang yunit na Starex na kulay berde na may Plate No. JCL-286.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9