Lantapan, Bukidnon – Arestado ang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa isinagawang Joint Operation ng mga awtoridad nito lamang Nobyembre 6, 2022.
Kinilala ni Police Major Jayvee Babaan, Officer-In-Charge ng Lantapan Municipal Police Station, ang suspek na si Erenio Ranalan Jr. alyas āDodongā, 24, laborer at residente ng Purok 2, Brgy. Bantuanon, Lantapan, Bukidnon.
Ayon kay PMaj Babaan, nadakip ang suspek bandang 4:30 ng hapon sa Bukidnon Provincial Medical Center, Brgy. Casisang, Malaybalay City, Bukidnon ng mga operatiba ng Lantapan Municipal Police Station at Bukidnon-Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta sa patuloy na pagsisikap ng Bukidnon PNP na hulihin ang mga Wanted Persons sa nasasakupang probinsya para sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10