Camp Crame, Quezon City – Pormal na isinagawa ang send-off ceremony ng mga itinalagang 20 miyembro ng PNP para makiisa sa United Mission sa South Sudan nitong Lunes, Nobyembre 7, 2022 kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.
Pangunahing pandangal sa naturang seremonya si Senador Imee R Marcos, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations na nanguna rin sa pagbibigay parangal sa mga operatiba ng CIDG ng Medalya ng Kagalingan dahil sa matagumpay nilang pag-neutralize sa mga miyembro ng kilalang WARLA Criminal Group, na may pakana sa ilang mga gun running activities, robbery hold-up, and drug trade sa parteng timog ng Metro Manila.
Bukod dito, kinilala rin ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang Albay Police Provincial Office dahil sa kanilang good deeds na scholarship program para sa mga kabataan na nais makapag-aral kung saan kaagapay nila ang kanilang mga Stakeholders sa pagpapatupad nito.
Samantala, binigyang pugay ni Senador Marcos ang mga PNP contingents sa nasabing UN mission, mga awardees at sa inisyatibo ng Albay PPO.
Kanya ring pinaabot ang kanyang mensahe para sa mga pulis na ipapadala sa South Sudan, aniya, “The UN peace keeping operations, our gallant 20 will provide a great opportunity for deeper engagement with the United Nations and all our fellow members states.”
Mag-ingat po kayong lahat, nawa’y makabalik ng matiwasay sa lalong madaling panahon na nakatulong sa kapayapaan, kalayaan at katarungan sa ibang bansa at sa buong mundo,” dagdag pa ni Senador Imee Marcos.