Lumahok sa isinagawang Bloodletting Activity ang mga tauhan ng Kalibo Municipal Police Station na ginanap sa Pastrana Covered Court-Pastrana Park, Poblacion, Kalibo, Aklan nitong ika-5 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay inorganisa ng Philippine National Red Cross-Kalibo Chapter at KIWANIS Club of Aklan katuwang ang Kalibo MPS sa pangunguna ni Police Lieutenant Aubrey Ayon, Deputy COP, sa pakikipagtulungan sa Municipal Advisory Group for Transformation and Development (MAGPTD) sa pamumuno ni G. Paul John D. Mirto, Tagapangulo.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa National Children’s Month Celebration na may temang “Dugo Mo, Tibok ng Puso Ko”.
Kabilang din sa mga lumahok ang mga kalapit na Municipal Police Stations, mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Criminology student’s ng Northwestern Visayan Colleges (NVC) at iba pang volunteers.
Ang ganitong aktibidad ay nagpapakita lamang ng pagkakaisa ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang komunidad upang makapagbigay ng tulong para makaipon ng sapat na supply ng dugo upang maibahagi sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.