Mabinay, Negros Oriental – Patuloy ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO) ng Community Outreach Program sa mga residente at mag-aaral ng Lapong Elementary School, Sitio Lapong, Barangay Dahile, Mabinay, Negros Oriental nitong Biyernes ika-4 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jonathan Pineda, Provincial Director ng NOPPO, katuwang sina Colonel Manolito Montiel, 302nd BDE Deputy Commander; G. Joel Villagracia, TESDA NegOr Provincial Director; Juniefe Amada, Nurse III, Head Provincial Health Office-Team; G. Roi Anthony Lomotan, Philippine Information Agency; LGU Mabinay sa pangunguna nina Hon. Ernie “Jango” Uy Municipal Mayor; Hon. Joettery A. Uy, Vice Mayor; at iba’t ibang head of offices ng naturang lungsod.
Matagumpay na naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng food packs, tsinelas, liniment oil, libreng gupit, manicure, pedicure, masahe, pagbibigay ng police clearance, ice cream at bag na naglalaman ng biskwit, tsokolate, candies, choco-porridge para sa mga bata.
Nagbigay aliw at saya din ang mga miyembro ng NOPPO Combo sa pamamagitan ng pagkanta at dance presentation na siyang sinabayan ng mga residente ng naturang barangay.
Kabilang din sa mga naging gawain sa nasabing programa ay medical check-up, libreng tuli, pamamahagi ng mga punla na may iba’t ibang klase, school supplies, COVID-19 vaccination at feeding program para sa lahat ng mga dumalo na nasabing aktibidad.
Patuloy ang pagsisikap ng NOPPO PNP maging ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa at pagbibigay ng serbisyong tapat at may puso para sa lahat ng residenteng kanilang nasasakupan at kaugnay sa programa ng Pambansang Pulisya na “M+K+K= K”, Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul