Naging matagumpay ang ginanap na Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at Peace Covenant Signing sa St. Peter Metropolitan Cathedral, Tuguegarao City, Cagayan, ngayong araw, Nobyembre 23, 2021.
Pinangunahan ng Police Regional Office 2 sa pamumuno ni PBGen Steve B Ludan, Regional Director na ikinatawan ni PBGen Edgar DM Cacayan, Deputy Regional Director for Administration ang aktibidad.
Nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Commission on Election (COMELEC), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd); National Police Commission (NAPOLCOM); National Intelligence Coordinating Agency (NICA); Bureau of Jail and Penology Management (BJMP), Bureau of Fire and Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Gayundin, dumalo ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan, civic and non-government organizations, at mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers.
Layon nitong hingin ang gabay ng Maykapal at hikayatin ang pagkakaisa para sa maayos at mapayapang halalan 2022.
Naging sentro ng programa ang unity walk; sabayang pagdarasal ng mga kinatawan ng iba’t ibang religious groups; at peace covenant signing.
Sa kanyang mensahe, tiniyak ni RD Ludan na patuloy ang masigasig na kampanya ng Valley Cops upang matuldukan ang vote buying at iba pang krimen na may kaugnayan sa darating na eleksyon.
Umapela rin ng suporta at tulong si RD Ludan mula sa mga botante, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor ng pamayanan upang makamit ang tapat at mapayapang halalan sa 2022.
Samantala, sabayang isinagawa ang kaparehong aktibidad sa iba’t ibang bayan sa buong Lambak ng Cagayan.
######
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi