Camp Bagong Diwa, Taguig City — Arestado ang isang lalaki matapos magpuslit ng ilegal na droga sa “Paabot Activity” ng mga otoridad nito lamang Huwebes, Nobyembre 3, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si Jeremiah Neil Buenaventura y Mucero, 24 taong gulang.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 4:00 ng hapon nang maharang ng isang jail officer sa Camp Bagong Diwa ang mga hinihinalang shabu na nakalagay sa sole ng sapatos ng suspek sa pamamagitan ng “Paabot Activity” sa Searching Area ng Metro Manila District Jail (MMDJ) Annex 2, Camp Bagong Diwa, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Agad naman rumisponde ang mga tauhan ng Sub Station 10, Bagumbayan, Taguig City at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU), NCRPO at narekober kay Buenaventura, ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng shabu na humigit-kumulang 23.94 gramo at may Standard Drug Price na Php162,792, isang pares ng itim/grey na Nike Zoom na rubber shoes, at isang kahon ng sapatos.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 11, Art 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Southern Police District ay mananatiling alerto upang mapuksa ang mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Source: SPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos