Sultan Kudarat, Maguindanao – Nakumpiska ang Php136,000 halaga ng shabu sa isinagawang PNP-PDEA Anti-Illegal Drug Buy-Bust Operation sa Brgy. Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao noong Nobyembre 3, 2022.
Kinilala ni PLtCol Julhamin Asdani, Acting Chief of Police, Sultan Kudarat Municipal Police Station, ang suspek na si Datu Ali Savedra Andal alyas “Dhats”, 34, residente ng nasabing lugar. Samantala, nakatakas naman si alyas “Buhari” matapos matiktikan ang mga operatiba.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM, National Bureau of Investigation BARMM, Highway Patrol Unit BAR, PNP Maritime Group at Sultan Kudarat MPS.
Nakumpiska mula sa suspek ang anim na pakete ng shabu na may timbang na 20 gramo na may tinatayang halaga na Php136,000, isang yunit ng cellphone, isang wallet, isang Identification Card, isang yunit ng Raider 125 FI Suzuki at pera na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang PRO BAR katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi titigil sa paglaban sa ilegal na droga para makamit ang kaayusan tungo sa kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia