Parang, Maguindanao – Nanumpa ang 200 recruits ng Patrolman/Patrolwoman para sa CY 2022 1st Cycle Attrition Program sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2022.
Ayon kay Police Brigadier General John Guyguyon, Regional Director ng PRO BAR, ang nasabing mga recruit ay sumailalim sa mga yugto ng screening tulad ng Physical Agility Test, Psychiatric and Psychological Examination, Physical, Medical at Dental Examination, Drug Test, at Final Committee Interview.
Dagdag pa, tinatayang 900 na mga aplikante ang kumuha ng kanilang pagkakataon para sa recruitment cycle na ito.
Ang anim na buwang proseso ng pagsasanay ay upang mahasa ang mga recruit para maging ganap na miyembro ng Philippine National Police.
Samantala, si PBGen Guyguyon ang dumalo sa oath-taking ceremony bilang Guest of Honor at Speaker. Muli niyang iginiit na habang sila ay nanumpa, binibigyan na sila ng awtoridad bilang mga alagad ng batas at pinaalalahanan silang ibigay ang pinakamahusay na serbisyo hindi lamang sa BARMM kundi sa buong bansa at sambayanang Pilipino. Umapela din siya sa mga pamilya ng mga recruit na tulungan ang kanilang mga miyembro ng pamilya na maging matuwid na pulis at maimpluwensyahan silang maging mabuting pulis.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz