Opol, Misamis Oriental – Tinatayang Php204,000 halaga ng shabu ang nasabat sa paghahain ng Search Warrant ng Drug Enforcement Unit ng Opol Municipal Police Station sa Zone 4, Taboc, Opol, Misamis Oriental nito lamang Huwebes, Nobyembre 3, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael Lacasa, Officer-In-Charge ng Opol MPS, ang suspek na si Sunny Aba Calit, 40, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Lacasa, bandang 2:00 ng hapon nang naaresto ang suspek sa naturang lugar ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Opol Municipal Police Station.
Nakumpiska mula kay Calit ang tatlong paketeng hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo na nagkakahalaga ng Php204,000, isang red black pair ng gunting, 13 empty unsealed plastic cellophanes, isang brown small paper bag, at isang dark gray wallet.
Nahaharap si Calit sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Ang Misamis Oriental Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Gonzalo Villamor Jr, Provincial Director ay patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga upang magkaroon ng mapayapa at tahimik na komunidad.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10