Batasan Hills, Quezon City – Kaisa ang Police Community Affairs and Development Group kasama ang mga tauhan ng Office of the House of Representatives sa paghahanda at pagrerepack ng mga food packs para sa mga biktima ng nanalasang bagyong Paeng nito lamang Huwebes, ika-3 ng Nobyembre 2022 sa Batasan Hills, Lungsod ng Quezon.
Pinangunahan nina Police Lieutenant Myleen Lacambra, Team leader, at Ms. Regina Ramirez, Legislative Staff Officer, ang grupo ng kapulisan, tauhan ng HOR at mga volunteers na walang kapagurang nanguna sa pagbubuhat at pagsasalansan ng mga relief goods.
Ang naturang food packs ay mula sa Office of the House of Representatives at mga donasyon mula sa mga pribadong stakeholders na naglalaman ng pangunahing pagkain at pangangailangan tulad ng tubig, bigas, noodles, delata at diaper.
Kasama ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas na handang maglingkod nang walang kapaguran at pagdadalawang-isip upang mabigyan ng sapat na tulong ang bawat biktima ng trahedya at pag-ugnayin ang bawat Pilipino tungo sa isang mapayapa at maunlad na Pilipinas.
Panulat ni Pat Noel S Lopez