Tabuk City, Kalinga – Agarang nagsagawa ng Relief Operations ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company para sa probinsya ng Apayao sa Tabuk City, Kalinga nito lamang Miyerkules, Nobyembre 2, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Alex Pedling, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ham Banag, Acting Force Commander, katuwang ang mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office, 141st Special Action Company, 14th Special Action Battalion PNP SAF, Bureau of Fire Protection-Kalinga, Philippine Army at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Kalinga.
Ang mga naturang grupo ay tulong-tulong na nagkarga ng relief goods para sa mga pamilya ng nasalanta ng bagyong “Paeng” sa probinsya ng Apayao.
Patuloy naman ang Kalinga PNP sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sector at tiyakin na makakapaghatid ng serbisyo sa mamamayan na lubhang naapektuhan ng bagyong Paeng.
Source: Kalinga Police Provincial Office
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya