Cotabato City – Nakumpiska ang Php680,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Purok Rajamuda, Mother Barangay Bagua, Cotabato City noong Nobyembre 1, 2022.
Kinilala ni Police Captain Mustapha Usman, Station Commander ng Cotabato City Police Station 4, ang suspek na si Binzar Sulaiman Enggo, 24, residente ng Purok Warda, Barangay Katuli, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ang matagumpay na operasyon ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Regional Drug Enforcement Unit BAR, Cotabato City Police Station 4 at City Police Drug Enforcement Unit-Cotabato City Police Office na may koordinasyon sa PDEA-BAR.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet na may timbang na 100 gramo na may tinatayang halaga na Php680,000, improvised glass tooter, at pera na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang PNP PRO BAR ay hindi titigil na hulihin ang mga taong sangkot sa ilegal na droga para mapanatili ang kaayusan tungo sa kaunlaran sa rehiyon ng Bangsamoro.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia