Consolacion, Cebu – Tinatayang nasa Php13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa West Binabag, Barangay Tayud, Consolacion, Cebu nito lamang madaling araw ng Lunes, ika-31 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rommel Ochave, Officer-In-Charge ng Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si Dondonico Pacot Duaban, 39, resident ng Barangay Duljo-Fatima, Cebu City at kabilang sa High Value Individual (HVI).
Ayon kay PCol Ochave, naaresto ang suspek bandang 2:00 ng madaling araw sa magkatuwang na operasyon ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Cebu Police Provincial Office (CPPO) at Consolacion Municipal Police Station (MPS), CPPO.
Nakumpiska kay Duaban ang nasa 2 kilos ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php13,600,000, isang cellphone, backpack at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Cebu Police Provincial Office sa pamumuno ni PCol Rommel Ochave at sa tulong ng komunidad, patuloy na paiigtingin ang mga anti-illegal drugs operation at pagsugpo sa anumang uri ng kriminalidad.