Camp BGen Vicente P Lim – Tinatayang 7,706 miyembro ng Police Regional Office 4A ang itinalaga sa iba’t ibang sementeryo para sa UNDAS 2022 nito lamang Lunes, Oktubre 31, 2022.
Ang aktibidad ay isinasagawa sa kabila ng patuloy na search, rescue and retrieval operations dulot ni bagyong “Paeng” sa buong rehiyon simula noong Oktubre 29, 2022.
Katuwang ng PNP ang 1,429 na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire and Protection (BFP), iba pang ahensya at 6,985 Force Multipliers sa 584 na sementeryo at 44 na columbarium sa rehiyon.
Siniyasat ng mga grupo ang mga hub/terminal ng transportasyon at iba pang mga lugar na daanan ng mga dumadalaw sa sementeryo.
Kinumpiska din ang mga gamit na ipinagbabawal sa loob ng sementeryo tulad ng mga itak, kutsilyo at alak.
Hinikayat din ang mga mamamayan na mag-ingat at manatiling alerto o mapagmatyag sa mga kahinahinalang tao o pangyayari.
Layunin nitong itaguyod ang kaligtasan, kaayusan at kapayaaan sa loob o labas ng sementeryo sa pagdiriwang ng UNDAS 2022 sa buong rehiyon.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin