Friday, November 29, 2024

PNP-PRO 8, sinisiguradong mapayapa ang Undas sa Eastern Visayas

Palo, Leyte – Sinisiguro ng Police Regional Office 8 na magiging payapa ang pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day nitong November 1 – 2, 2022.

Ayon kay Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil, Regional Director ng PRO8, may kabuuang 1,353 na pulis ang naka-deploy sa 491 police assistance desk sa mga sementeryo, memorial park, at iba pang lugar sa rehiyon.

Mayroong 2,274 Force Multipliers din ang itinalaga para katuwang ng pulisya at tulungan ang publiko na bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa mga sementeryo.

Ayon pa kay PBGen Marbil, ang PRO8 ay nasa full alert status na mula noong Oktubre 29 upang matiyak ang mapayapang pagdiriwang ng Undas.

Dagdag pa niya na ang mobilisasyon ng mga tauhan ay naglalayong paigtingin ang pagsubaybay sa insidente at mabilis na pagtugon sa iba pang mga isyu.

Aniya, mahigpit na ipatutupad ng pulisya ang pagbabawal sa pag-inom ng alak, pagsusugal, pagdadala ng matutulis na bagay at baril, pagtugtog ng malakas na musika, at iba pang ilegal na aktibidad sa loob ng mga sementeryo.

Mensahe ni PBGen Marbil, “May kaukulang parusa ang sino mang mahuli na lalabag sa itinakdang mga alituntunin. Gayundin, ang PRO 8 ay tutulong sa pagpapatupad ng Minimum Public Health Standards (MPHS).”

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles