Biliran – Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office sa pagdiriwang ng ika-35 Prison Awareness Sunday sa Sitio Bliss, Brgy. Calumpang, Naval, Biliran nitong Linggo, Oktubre 30, 2022.
Ayon kay Police Colonel Felix Gervacio Jr, Provincial Director, ang programa ay may temang “Tungo sa Pakikinig, Pagpapagaling, at Loving Correctional Community” na pinangunahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Biliran Province.
Ang aktibidad ay proyekto ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa lahat ng correctional community.
Highlight ng programa ang liturgical prayers sa Person Deprive of Liberty (PDL) sa pangunguna ni Lay Minister Floro Arsolon.
Namahagi rin ng hygiene kit ang mga tauhan ng Biliran PPO, BJMP at Lay Minister Arsolon sa 79 Person Deprive of Liberty (PDL) mula sa nasabing piitan.
Ang pagkakaisa ng PNP, BJMP at mamamayan ay nagpapakita lamang ng malasakit kahit sa mga kababayan nating nasa loob ng piitan. Ito rin ay bilang pagtalima sa PNP Core Value na “Makatao”.