Laoag City, Ilocos Norte – Arestado ang isang Top 3 Municipal Most Wanted Person sa kasong Attempted Murder ng mga tauhan ng Nueva Era PNP nito lamang Linggo, ika-30 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Major Reymar Remegio, Hepe ng Nueva Era Municipal Police Station, ang suspek na si Samuel Corpuz y Natividad, 34, at residente ng Brgy. 17, Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon kay PMaj Remegio, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ayon pa kay PMaj Remegio, naaresto ang suspek bandang 7:40 ng gabi sa kanyang tinitirhan ng mga operatiba ng Nueva Era Municipal Police Station, Laoag City Police Station, Provincial Intelligence Unit Ilocos Norte Provincial Police Office, 114 Special Action Force, 101st Regional Mobile Force Battalion, 2nd Provincial Mobile Force Company, Batac City Police Station at Pasuquin Municipal Police Station.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police sa kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Nueva Era Municipal Police Station