Lian, Batangas – Nagsagawa ang Regional Mobile Force Battalion 4A ng Search and Rescue Operations sa ilang residente ng Lian, Batangas nito lamang Linggo, Oktubre 30, 2022.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Agosto Asuncion, Officer-In-Charge ng RMFB 4A katuwang ang ibang Local Government Units ng nabanggit na munisipalidad.
Inilikas ang mga residente na lubhang nasalanta ng masamang panahon at naapektuhan ng pagtaas ng tubig-ulan sa lugar dulot ng bagyong “Paeng”.
Bukod dito, nagtalaga rin ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) upang matiyak ang kahandaan sa pagbigay ng mga serbisyong pangkaligtasan ng publiko sa panahon ng pananalasa ng bagyo.
Hinikayat ng pulisya ang mga mamamayan na nasa immediate danger zone na maging mapagmatyag, mag-ingat at sumunod sa abiso ng mga otoridad na lumikas sa mas ligtas na lugar upang maiwasan ang mga sakuna.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin