Tawi- Tawi – Nagsagawa ng Rescue Operation at Floating Debris Clearing ang mga tauhan ng Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company matapos ang malakas na hangin/wave surge sa Brgy. Tubig Tanah, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-30 ng Oktubre, 2022.
Ayon kay Police Captain Jayzel Abdulahab, Deputy Force Commander, nasa limampung stilt house ang nasira at isang nawawalang tao na nagngangalang Kahaldaya Faizal, 60 taong gulang, babae, may-asawa, at residente ng nabanggit na barangay.
Dagdag pa, katuwang din sa operasyon ang Bongao Municipal Government, Regional Mobile Force Battalion Basilan-Sulu-Tawi-Tawi, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Pinayuhan din ang lahat na sundin ang mga tagubilin ng DRMMO at maging mas mapagbantay sa panahong ito ng kalamidad.
Samantala, ang operasyon na ito ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay palaging handang tumulong sa anumang sitwasyon upang masiguro at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng publiko.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz