Besao, Mt. Province – Nagsagawa ang mga tauhan ng Besao Municipal Police Station ng monitoring and clearing operations sa kalsada ng Besao-Quirino National Road, Sitio Toong, Brgy. Banguitan, Besao, Mt. Province nito lamang Oktubre 30, 2022.
Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang Municipal Mayor na si Hon Bryne Bacwaden, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Barangay Officials at volunteers.
Tinanggal ang mga tipak ng bato, puno na nakabalandra na humarang sa naturang daanan dulot ng bagyong “Paeng”.
Ang aktibidad ay naglalayong isaayos ang kalsada upang maging ligtas at komportable ang mga motorista sa kanilang patutunguhan.
Source: Besao Municipal Police Station