Maguindanao – Nakiisa ang Ampatuan PNP sa pamamahagi ng Relief Goods sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Ampatuan, Maguindanao nito lamang ika-30 ng Oktubre 2022.
Ayon kay Police Captain Albert Carillo, Officer-In-Charge ng Ampatuan Municipal Police Station, ang nasabing programa ay sa pangunguna ni Hon. Bai Leah Sangki, Municipal Mayor sa inisyatibo ng Office of Senator Bong Go.
Kabilang sa mga ipinamahagi ay ang bigas, noodles at can goods.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente dahil sa serbisyong natanggap nila mula sa pamahalaan.
Samantala, patunay lamang na ang mga ganitong programa ay nagpapakita ng malasakit ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa ating komunidad.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz