Sunday, November 24, 2024

Pulis tiklo sa ‘buy-bust’

Ipinag-utos ni Police Brigadier General Eden T Ugale, Regional Director, Police Regional Office (PRO) Bangsamoro Autonomous Region (BAR), ang isang malalim na imbestigasyon kasunod ng pagkakaaresto ng isang pulis sa isang buy-bust operation sa Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Height 7, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office, bandang 4:15 PM nitong November 20, 2021, ang pinagsamang tauhan ng Cotabato City Police Office, Sultan Kudarat Municipal Police Station (MPS), at ng Regional Highway Police Unit (RPHU) BAR ay nagsagawa ng isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ni Police Corporal Jomar Moyet Chio, alias “Jomar”, na nakadestino sa Sultan Kudarat MPS, isang high value target.

Narekober mula sa posesyon ni Police Corporal Chio ang isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinagdududahang shabu na may tinatayang bigat na 0.05 gramo, at may tinatayang halaga ng limang daang piso (Php 500.00), at ang isang piraso ng Php 500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Pinuri ni PBGen Ugale ang mga operatiba dahil sa isang mabilis na operation na syang nagresulta sa pagkakaaresto ng naturang pulis. Ipinag-utos din nya ang madaliang imbestigasyon para sa posibleng pagpapatanggal ng naturang pulis sa serbisyo, na syang kakasuhan ng administratibo, bukod sa hiwalay na kasong criminal.

Nabanggit ni PBGen Ugale na hindi sya mag-aatubiling tanggalin sa hanay ng pulisya ang mga eskalawag na pulis, na naaayon rin sa Intensified Cleanliness Police Program ng PNP.

“Gaya ng kautusan ng ating bagong Chief, PNP, Police General Dionardo B Carlos, na paigtingin ang Intensified Cleanliness Policy Program na kung saan kasama rito ang paglinis sa hanay ng PNP. Makakaasa ang ating mga kababayan dito sa Bangsamoro Autonomous Region na mabilis ang magiging aksyon at tugon ng inyong PNP laban sa mga tiwali sa aming hanay dahil sila ang anay sa aming organisasyon at sumisira sa imahe ng mabubuting pulis sa ating bansa”, sabi ni PBGen Ugale.

Source: PRO BAR Facebook Page

######

Panulat ni: NUP Sheena Lyn M Palconite

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles