Eastern Visayas – Patuloy sa pagbibigay ng tulong ang buong pwersa ng Police Regional Office 8 sa mga naapektuhan sa iba’t ibang lugar ng rehiyon sa pananalasa ng bagyong “Paeng” nitong Oktubre 28, 2022.
Sa pamumuno ni Police Brigadier General Rommel Francisco Marbil, Regional Director, maagap na umaksyon at nagbigay serbisyo publiko ang kapulisan sa mga kababayang nasalanta.
Sa kasalukuyan, ang PNP-PRO8 ay nagsasagawa na ng clearing operation sa iba’t ibang lugar upang tanggalin ang nakahambalang mga puno at lupa na dulot ng landslide partikular na sa Biliran, Leyte, ilang bahagi ng Northern Samar, Eastern Samar, at Samar.
Patuloy rin sa pagpapatrolya at pagmomonitor sa paglaki ng mga ilog na maaaring magdulot ng baha sa mga mabababang lugar sa kani-kanilang nasasakupan.
Maliban sa mga nabanggit, umaksyon din ang mga miyembro ng PRO8 sa pagtulong sa mga residente at pagsasagawa ng feeding program sa 167 occupied evacuation centers at sa mga na-stranded na sasakyan.
Ang PRO8 ay laging handang tumulong sa anumang sitwasyon upang maprotektahan ang mamamayan dahil dito sa Eastern Visayas, gusto ng Pulis, safe ka!.