Nagsagawa ng Disaster Response at Rescue Operation ang mga miyembro ng 4th Platoon, City Mobile Force Company (CMFC) ng Santiago PNP sa mga nabahang residente sa Sitio Burubur, Santiago City noong ika-29 ng Oktubre 2022.
Sa pangunguna ni PLt Junatess Acacio, Platoon Leader, nailikas ang mga bata at matatanda sa nasabing lugar sa pamamagitan ng rubber boat at maingat na pag-alalay sa pagtawid sa kahoy na tulay na naabot ng rumaragasang tubig baha.
Sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng CDRRMO at mga Barangay Tanod, nailikas ang 15 katao at dinala sa Evacuation Center ng Brgy. Hall ng Rizal, Santigo City.
Layunin ng Disaster Response at Rescue Operation na makatugon ng agarang tulong at makapagligtas ng buhay na maaaring ikapinsala ng mamamayan dahil sa kalamidad.
Source: CMFC, Santiago City
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos