Davao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng PNP sa Purok 16, Brgy. Tibal-og, Santo Tomas, Davo del Norte, noong Oktubre 28, 2022.
Kinilala ni Police Major Rodante Varona, Acting Chief of Police ng Santo Tomas Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Pedro”, 32, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Varona, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng tauhan ng Sto. Tomas MPS sa kasong Homicide na may kaukulang piyansa na Php120,000.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 na hulihin ang mga wanted person sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara