Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Regional PNP Human Rights Office (RPHRO) 2 sa isinagawang Outreach program para sa mga kababayan nating Person’s Deprived with Liberty (PDL) na ginanap sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Compound, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Oktubre 28, 2022.
Ayon kay Police Major Mary Jane C Sibbaluca, Chief, RPHRO nasa 330 na PDL ang naging benepisyaryo ng aktibidad.
Alinsunod ito sa paggunita sa National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) 2022 na may temang “Mataas na Kalidad ng Serbisyong Pampiitan, Pagbabago ng PDL Tiyak na Makakamtan.”
Naging katuwang ng kapulisan ang mga miyembro ng BJMP na nagkaisa upang ipakita ang malasakit kahit sa mga kababayan nating nasa loob ng piitan. Ito rin ay bilang pagtalima sa PNP Core Value na “Makatao”.
Source: RPHRO 2
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi