Malvar, Batangas City – Pinangunahan ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Pedro Soliba, Provincial Director, ang isinagawang Bloodletting Activity sa Camp General Miguel C Malvar, Batangas City nito lamang Huwebes, Oktubre 27, 2022.
Katuwang sa aktibidad ang Philippine Dental Association, Department of Health, at Philippine Blood Center.
Ayon kay PCol Soliba, bandang 8:00 ng umaga nagsimula ang naturang aktibidad kung saan nakalikom ng 167 bags ng dugo mula sa mga nagboluntaryong kapulisan at civilian donors kabilang ang mga miyembro ng Advocacy Support Group na pumasa sa screening process na kinapapalooban ng medical interview and check-up, timbang, at pagkuha ng presyon ng dugo at oxygen level.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong makapag-abot ng tulong at makapagligtas ng buhay ang PNP, mga katuwang na mga ahensya at stakeholders sa mga mamamayan na may malubhang sakit o karamdaman na nangangailangan ng dugo.
“Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga blood donors at sa bumuo ng aktibidad na ito upang makatulong na makapagligtas ng buhay ng ating mga kababayan na may malubhang karamdaman,” ani PCol Soliba.
Source: Batangas Police Provincial Office-PIO
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon