Tinatayang Php1,160,000 halaga ng Marijuana ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Marilao PNP sa Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan nito lamang Huwebes ika-27 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Bernard E Pagaduan, Acting Chief of Police ng Marilao Municipal Police Station ng Bulacan Provincial Police Office, ang mga suspek na sina Pethuel Mizona y Agapito, 25, residente ng Bocaue, Bulacan, Danica Moreno y Soliveros, 21, Vitarich Compound Abangan Sur, Marilao, Bulacan at patuloy pa na hinahanap ng awtoridad si Yeoj Vincent Munsayac, residente ng Bocaue, Bulacan.
Ayon kay PLtCol Pagaduan naaresto ang mga suspek bandang 2:00 ng madaling araw sa Barangay Abangan Sur, Marilao Bulacan ng pinagsanib pwersa ng Station Drug Enforcement Unit ng Marilao MPS at Special Operation Unit 3 ng PNP Drug Enforcement Group.
Nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang Marijuana na humigit kumulang 11.6 kilos na may halagang Php1,160,000 at Php17,000 na boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay mahigpit sa pangangampanya laban sa ilegal na droga at hinihikayat ang mga mamamayan na sumunod sa ipinatutupad na batas.
Source: PCpl Jeselle V Rivera/RPCADU3