Cagayan de Oro City – Isinagawa ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 ang Coastal Clean-up Drive at Mangrove Tree Planting sa Brgy. Bonbon, Cagayan de Oro City nito lamang Huwebes, Oktubre 27, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Henry Dampal, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 10, katuwang ang Department of Environment and Natural Resources-Regional Office 10, Local Government ng Cagayan de Oro CENRO at Masonic District Region 10.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Regional Community Affairs and Development Unit 10 na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Charlie Vete, Officer-In-Charge.
Sa kabuuan, 500 mangrove ang naitanim at sampung sako ng iba’t ibang klaseng basura ang nakuha.
Ang aktibidad ay nakaangkla sa programa ni Chief PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong alagaan ang ating inang kalikasan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10