Romblon – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station sa mga estudyante ng Alad Lamao Elementary School, Romblon noong ika-25 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Romblon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Gemie Mallen, Acting Chief of Police ng Romblon MPS katuwang ang mga miyembro ng Foursquare Gospel Church, at mga Barangay Officials.
Namahagi ang grupo ng libreng pagkain, mga bitamina at naglecture ang ating kapulisan ng Romblon MPS tungkol sa anti-bullying, gender-based violence at tungkol sa R.A 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Lubos naman na nagpapasalamat ang mga ito sa natanggap nilang mga pagkain, bitamina at bagong kaalaman para sa kanilang kaligtasan.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Ang ating kapulisan ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayan upang mapaigting ang ugnayan ng PNP at mamamayan.
Source: Romblon MPS
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus