Zamboanga City – Tinatayang nasa Php1.7 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa isinagawang Anti-Smuggling Operation ng awtoridad sa Brgy. Hall ng Kasanyangan, Zamboanga City nito lamang Miyerkules, Oktubre 26, 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Neil Alinsangan, Regional Director ng Police Regional Office 9, bandang 4:30 ng hapon nang isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group at City Intelligence Unit ng Zamboanga City Police Office.
Nasabat ang apat na kahon ng Far, pitong kahon ng Canon, limang kahon ng Delta, walong kahon ng Aries at 26 cases ng B and R na sigarilyo na may tinatayang halaga na Php1,700,000.
Ang pagpapaigting na kampanya laban sa mga smuggled cigarettes ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran at KASIMBAYANAN.
Samantala, patuloy ang pagpapaigting ng kampanya laban sa smuggled cigarettes ng Zamboanga City PNP upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.
Source: Zamboanga City Police Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz