Police Regional Office 12 – Labing lima na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nagbalik-loob sa pamahalaan ang tumanggap ng tulong pinansyal at pangkabuhayan program sa isinagawang Oath Taking and Acceptance of CTG Surrenderers sa Police Regional Office 12, Tambler, General Santos City nito lamang ika-25 ng Oktubre 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12 kasama sina PBGen Rolando Desturra, Deputy Regional Director for Administration; PCol Rogelio Raymundo Jr, Deputy Regional Director for Operation; PCol Nathaniel Villegas, Provincial Director, South Cotabato Police Provincial Office; PCol Henry Villar, Chief ROD at GenSan Task Force, Philippine Army.
Dito ay isinagawa ang panunumpa ng mga former rebels bilang pagpapakita ng kanilang buong pagsuporta at pagbabalik-loob sa ating gobyerno.
Ayon sa mga sumuko, sila ay tumiwalag sa samahan ng makakaliwang grupo dahil napagtanto nila na tanging ang gobyerno lamang ang makakatulong sa kanila para makabalik sa mapayapang pamumuhay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga sumuko sa kanilang natanggap na cash assistance, libreng gamot, bitamina, bigas at PSA Birth Certificate mula sa gobyerno.
Bukod sa mga ito, inaasahan ding makakatanggap ng karagdagang tulong bilang bahagi ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang kapulisan ng PRO 12 sa mga hindi pa sumusukong mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno at yakapin ang totoong gobyernong may malasakit kung saan ay mabibigyan sila ng tulong-pinansyal at makakasama nila ang kanilang pamilya nang hindi nagtatago o may iniiwasang mga alagad ng batas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin