Legaspi City, Albay – Tinatayang nasa Php374,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng PNP PRO5 at PDEA RO5 sa Purok 3-B, Barangay 33-Peñaranda, Legaspi City, Albay nito lamang Oktubre 23, 2022.
Kinilala ni PCol Fernando Cunanan, Jr, Officer-In-Charge ng Albay Police Provincial Office, ang suspek na si Anthony A. Orense, 37, tricycle driver, residente ng nabanggit na lugar at kabilang sa listahan ng Street Level Individual ng Legazpi City Police Station.
Ayon kay PCol Cunanan Jr., bandang 1:20 ng hapon ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, City Drug Enforcement Unit ng Legaspi City Police Station, 503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Company sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.
Nakabili mula sa suspek ng limang gramo ng shabu kapalit ang halagang Php10,500 at sa isinagawang body search ay nakumpiska mula sa suspek ang 50 na gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php340,000.
Sa kabuuan, nasa 55 na gramo ang narekober na may tinatayang halaga na Php374,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ito ang naging pahayag ni PBGen Rudolph Dimas, RD, PRO5 “Tulong-tulong tayo sa ating mithiin na linisin ang komunidad sa ilegal na droga na nagiging dahilan ng iba’t ibang kriminalidad sa ating pamayanan. Sabay-sabay nating patunayan na “life is beautiful” sa pamamagitan nang pagpapamalas ng serbisyong may malasakit patungo sa pag-abot sa layuning bigyan ng mas maayos, payapa at maunlad na pamayanan ang lahat.”
Source: KASUROG Bicol