Bacolod City- Nasabat ang mahigit Php523,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office sa Purok Tangigue, Brgy. 1, Bacolod City nito lamang ika-25 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Joven Mogato, Hepe ng CDEU-BCPO ang suspek na si Joelibert Sancho y Callao, alyas Mikmik, High Value Individual, 31 at residente ng Purok Tangigue, Brgy. 1, Bacolod City.
Ayon kay PLt Mogato, naaresto ang suspek matapos magbenta sa police poseur buyer ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu kapalit ang Php1,000.
Dagdag pa ni PLt Mogato, nakumpiska sa suspek ang 18 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 77 gramo kabilang ang buy-bust item na nagkakahalaga ng Php523,000 at iba pang mga kagamitan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Bacolod City PNP ay patuloy sa kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.